
Si Esteban, anak ni Marino, ay nagmula sa isang maharlikang pamilyang Romano na nagbigay sa Simbahan ng dalawa pang papa. Itinangi siya nina Adriano I at Leon III noong siya ay binata pa, at inordenahan siya ni Leon bilang diyakono. Nahalal at kinonsagra siya kaagad pagkamatay ni Leon at naghari lamang ng pitong buwan.
Pinanumpa niya ang mga Romano ng katapatan sa Emperador Luis na Banal, saka naglakbay sa Pransiya at doon siya kinoronahan, at sa gayon ay binago ang kasunduan ng mga Franco at ng kapapahan. Sa kanyang pag-uwi ay ibinalik niya ang mga taong ipinatapon noong panahon ni Leon III. Ibinibilang siya bilang Esteban IV at Esteban V.