
Si Zósimo, isang Griyego ayon sa Liber Pontificalis, ay kinonsagra noong Marso 18, 417 at naghari nang wala pang dalawang taon. Walang nalalaman tungkol sa kaniyang naunang buhay. Binigyan niya ang Obispo ng Arles ng malawak na kapangyarihan sa Gaul, na ikinasama ng loob ng ibang mga obispo ng Gaul.
Noong una ay napaniwala siya ng mga Pelagiano na sina Celestio at Pelagio na tama ang kanilang aral; matapos ipakita sa kaniya ng mga obispo ng Aprika ang kabaligtaran, inilabas niya ang kaniyang 'Tractoria' na kumukondena sa Pelagianismo. Nasangkot din siya sa isang alitan sa Simbahan ng Aprika tungkol sa mga apela sa Roma. Inilibing siya sa Simbahan ng San Lorenzo sa Labas ng mga Pader.
Pinararangalan siya ng Simbahan bilang Santo. Basahin ang kanyang pahina sa diksiyonaryo ng mga santo.